top of page

Kagalingan, Kalinga at Kaunlarang Tatak JCA


Noong una, akala natin hanggang ganito nalang talaga ang ating bayan: buong araw kung byahehin ang Puerto, uka-uka ang mga kalsada kung meron man, iikot ka pa ng Taytay o Roxas para lang makapunta sa Binga, o New Canipo, o Barton, o Caruray. Akala natin, tanging ang may mga pera lang ang makakapagpapaaral ng kolehiyo…akala natin wala na tayong pag-asang umasenso…

Pero may Pag-asa pa pala! May malakihang Pagbabago at Pag-unlad pa palang naghihintay sa bawat isa sa atin – salamat sa magaling na pamumuno nina Gov. JCA, Mayor Pie at Vice-Mayor AVG!

Sa kabila ng panghaharang ng iilang SB Members sa kanilang mga programa at proyekto para sa bayan, nagawa pa rin nilang maipatupad ang mga ito at mapabilis ang paghahatid ng mga kinakailangang tulong, imprastraktura, malakihang pagbabago at pag-unlad na ngayon ay pinakikinabangan nating lahat. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

> 102 kilometro na mga bagong bukas at ayos na kalsada na nagdudugtong sa ating mga kabarangayan, at sa ating mga residente sa mga lugar ng kalakalan. Ngayon, pwede na nating ikutin ang San Vicente mula Cauban hanggang Caruray nang hindi tayo lumalabas ng bayan!

> 36 mga bagong tayong silid-aralan sa buong bayan, kasama na sa mga malalayong kanayunan at isla;

> Pagbubukas ng Palawan State University mismo dito sa atin, pagbibigay-suportang pinansyal sa operasyon ng unibersidad, at paglibre sa tuition ng mga estudyanteng umabot na sa halos 500 – malaking ginhawa sa ating mga magulang, at malaking oportunidad sa ating mga kabataan para makakuha ng dekalidad na edukasyon para mapaganda rin ang kani-kanilang buhay sa hinaharap;

> Pagbibigay ng school bags at supplies sa humigit-kumulang 12,000 estudyante taun-taon;

> Malinis at ligtas na tubig na umaabot na sa humigit-kumulang 4,404 kabahayan o 85% ng lahat ng bahay sa buong bayan;

> Mas pinabuting kalidad ng serbisyong pang-Kalusugan para sa lahat. Dalawang duktor, isang dentista, karagdagang nars, mga midwife at health workers, pinaayos at pinalaking RHU at mga bagong patayong health centers sa iba’t-ibang barangay;

> Mga Programang Pangkabuhayan katulad ng Seaweeds Farming na pinakikinabangan ngayon ng halos 700 nating kababayan; at

> Marami pang ibang mga imprastraktura, programa at serbisyong tatak ng isang mahusay na pamamahala nina Mayor Pie at Vice-Mayor AVG.

Tunay ngang nabago na ang mukha ng ating bayan. Tunay ngang abot-kamay na natin ang matagal na nating pinapangarap na kaunlaran sa ating bayan!

Marami pang nakaplanong magagandang proyekto, malakihang pagbabago at kaunlaran ang pamunuan nila Gov. JCA, Mayor Pie at Vice-Mayor AVG sa minamahal nilang bayan ng San Vicente. Mas marami pang bubuksan at ipapasementong Kalsada; proyektong pa-Tubig at Kuryente hanggang sa mga malalayong sitio at isla; malawakang programang pang-Edukasyon, vocational training at iba pa para sa ating mga Kabataan; pagpapalago ng ating industriya ng Turismo para makalikha ng mga disenteng Trabaho at Kita para sa lahat;

pagpapalakas ng ating Agrikultura at pangangalaga ng ating Kalikasan para masigurong pangmatagalan ang ating pag-unlad. Paiigtingin din ang kumprehensibo at epektibong paghahatid ng serbisyo sa ating mga mamamayan, mula sa mga ipinagbubuntis palang, hanggang sa mga Bata, Kabataan, Kalalakihan, Kababaihan, May Kapansanan, at Senior Citizens. Kagalingan sa serbisyo at kalinga, at ibayong kaunlaran ang dadalhin ng pamunuan nina Mayor Pie at Vice-Mayor AVG sa atin sa mga susunod na taon.

Kagalingan, Kalinga at Kaunlarang tatak JCA!

Watch video:

https://web.facebook.com/unladsanvicente/videos/646313518857977/


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page