top of page

Dapat Tama ang ating Pagboto: BAKIT KAILANGAN 10-0?

Napakahalaga ng Eleksyon 2016 para sa ating bayan…para sa katuparan ng inyong mga pangarap at inaasam na kinabukasan. Kapag hindi natin naayos ang ating Sangguniang Bayan ngayong Mayo, mahihirapan na tayong ayusin ito sa mga susunod na taon. Ayusin na natin ito habang may panahon pa tayo!

Isang beses lang ang eleksiyon kada tatlong taon kaya’t gawin natin ito nang Tama. Dapat Tama. Suportahan ang Kampanyang 10-0! Ang pagboto ninyo sa 10-0 ay pagboto ninyo sa inyong mga pangarap!

BAKIT KAILANGAN 10-0?

1. Dahil sa mga Pangarap mo at Kaunlaran nating lahat. Dahil tanging ang Partidong ito lamang ang may kongkretong platapormang pang-kaunlaran at may kakayahang gawin itong lahat, para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan ng San Vicente, at mabigyang-katuraparan ang inyong mga pangarap sa buhay. 2. Gov. JCA. Dahil ito lamang ang Partidong may special access sa napakagaling na pamunuan ni Gov. JCA ng Pamahalaang Panlalawigan, at sa national government mula Malacañang hanggang sa mga iba’t-ibang Departamento nito; sa kanilang malaking pondo at unlimited resources na kinakailangan natin para maisagawa ang mga proyektong ito. Sa tingin ba ninyo, magagawa ito ng iba kapag sila ang nailagay n’yo sa pwesto, sakali mang magkamali kayo? Klarong sagot: Hindi ito kaya ng iba. Wala silang access at impluwensiya sa ating gubernador at sa iba pang matataas na opisyal ng ating national government. 3. Kagalingan, Tiwala, Tunay na Lingkod-bayan. Dahil piling-pili, magagaling at may kakayahang punan ang kani-kanyang papel at responsibilidad ng bawat isang kandidato ng PPP ang pwestong kanilang tinatakbuhan, sila’y mapagkakatiwalaan, nagkakaisa bilang isang team para sa kaunlaran ng bayan, at higit sa lahat, ang kanilang puso at intensiyon ay tanging maglingkod lang sa bayan…Ang sampung kandidato ng PPP ay nangako at nanumpa sa Panginoon, sa taumbayan, at kay Gov. JCA na lagi nilang uunahin ang interes ng bayan, higit sa lahat!

4. Pagkakaisa at Pagtutulungan. Dahil kailangan nagtutulungan ang Executive Department sa pamumuno ni Mayor Pie, at ang Legislative Department sa ilalim ni Vice-Mayor AVG. Kapag hindi buo ang team, lalo na ang Sangguniang Bayan, malamang mauulit muli ang mapait na nangyari sa ating Budget ngayong 2016, sa ating mga casual at contractual na empleyado, sa pagharang sa Port Barton Water System at iba pang malakihang proyekto na sana’y naipatupad na kung buo lang ang Sangguniang Bayan natin. Kung ang 10-0 ang mananalo, makakaasa kayo na matutuloy na ang mga proyektong ito, at tiyak sama-sama tayong lahat sa ating byahe patungo sa kaunlaran!

5. Kasiguraduhan. Tungkol ito sa Inyo, at sa inyong Kinabukasan. Kapakanan at kinabukasan ninyo ang nakataya dito. Bakit ka pa tataya sa walang kasiguraduhan? Sa walang plataporma…sa walang maliwanag na kakayahang maglingkod at gawin ang anumang pangakong kanilang binibitawan? Dito na tayo sa siguradong may magagawa, at ang siguradong kapakanan ng bayan ang uunahin higit sa lahat.

6. Sa ginawa ba namang kasalanan sa bayan nitong ilang SB Members na humarang sa ating Budget at mga proyekto, iboboto pa rin ba natin sila?!? Bakit ka pa tataya sa walang kasiguraduhan? Bakit mo itataya ang iyong kinabukasan, at ng inyong mga anak? Umaasa kaming matalino ang ating mga botante, kaya hindi n’yo na sila iboboto.

Read more:

https://web.facebook.com/unladsanvicente/?fref=nf


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page