SB Walter Evio-dela Cruz.
Pinakabata sa mga tumatakbo sa SB pero nangingibabaw sa galing, si Sir Walter ay dating propesor sa Palawan State University-San Vicente Campus, Presidente ng Student Council ng PSU-Main Campus (2010-2011) na may humigit-kumulang 10,000 estudyante, at SK Chairman ng Brgy. Poblacion (2002-2007).
Siya ay consistent honors student at student leader mula elementarya hanggang college. Siya ay nagtapos ng AB Political Science sa PSU, at kasalukuyang kumukuha ng Master of Arts in Teaching sa parehong institution.
Walang dudang siya ay may sapat na karanasan sa pamumuno, may malawak na kaalaman sa pamamalakad ng pamahalaan, maraming magagandang ideya at plano para sa ikauunlad ng bayan, at higit sa lahat, may kakayahan para gampanan ang trabaho ng isang SB Member, at may pusong handang manilbihan.
Tututukan ni SB Walter ang kapakanan ng mga Kabataan, at isusulong ang mas magandang Programang Pang-Edukasyon para sa lahat: mula elementarya, high school, kolehiyo at vocational.
Naniniwala si SB Walter na kailangang mamuhunan ang lokal na pamahalaan, at ang bawat magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak kung nais nating pangmatagalan ang pag-unlad ng ating mga mamamayan at bayan.
Kabataan at Edukasyon kanyang tututukan, upang mai-ahon tayo sa kahirapan.