top of page

SB Romulo ‘Molong’ B. Molo.


Batikan na sa paninilbihan sa bayan ang ipinagmamalaki ng Alimanguan pero magpasahanggang ngayon, nananatili siyang simple, mabait, matulungin, mahiyain at pinakamahalaga, buo ang prinsipyo sa buhay at pulitika kagaya noong siya ay unang sumabak rito mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Nanungkulan na siya bilang Vice-Mayor ng ating bayan (2010-2013) at SB Member ng apat na termino (2001-2010; 2013-2016). Isa siya sa dalawang SBs na nanindigang ipasa ang Budget ng 2016, otoridad ni Mayor Pie na mag-hire ng mga kinakailangang empleyado ng munisipyo, at ipatupad ang mga kinakailangang proyekto at programa sa buong bayan.

Ipagpapatuloy ni SB Molong ang kaniyang malinis na record sa paglilingkod, at paninindigan sa patuloy na pag-unlad ng bayan. Tututukan niya ang mga programang malapit sa kanyang puso: Hanapbuhay sa pangisdaan dahil siya ay dating mangingisda, Agrikultura sapagkat siya rin ay nagsasaka, Peace and Order dahil siya ay dating Brgy. Tanod, at Malinis na Pamamahala sapagkat naranasan niya na ang hirap ng buhay; titiyakin niyang walang maiiwan sa pag-unlad ng ating bayan.

Kay SB Molong, Puso at Prinsipyo para sa bayan ang ipaiiral!


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page