SB Roche ‘Inday Chi’ Bonggat.
Galing sa napakahirap na pamumuhay, inspirasyon nating lahat ang kwento ng buhay at naging tagumpay ni Inday Roche ng Caruray.
Nadaanang kilu-kilometro ang nilalakad makapasok lang sa eskwelahan, maglabada at magtindera hanggang sa makatapos ng kolehiyo, si Inday Roche ay nagtrabaho sa Puerto Princesa City Hall at sa Department of Transportation and Communications (DOTC) bago niya tuluyang pinasok ang mundo ng pag-nenegosyo. Nagsimula sa maliit na puhunan pero dahil sa galing, sipag, tiyaga, at diskarte, napalaki at naparami niya ang kanyang mga negosyo dito sa Palawan, at sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ngayon, pangarap niyang magbahagi ng kanyang mga natutunang kaalaman at kasanayan sa kanyang mga kababayan: Sisikapin niyang matulungan ang ating mga kababayan na mapaunlad ang kani-kaniyang mga buhay sa pamamagitan ng pagtutulak ng Programang Entrepreneurship o Pagnenegosyo sa bawat interesadong residente ng San Vicente. Isusulong din niya ang “Women’s Welfare and Empowerment”, o ang kapakanan, karapatan at pagpapalakas ng sektor ng mga kababaihan, katuwang sila SB Vangie, Elsa G., at Beth.
Kay Inday Roche, makakaasa tayo ng Magandang Serbisyo!