top of page

SB Lilibeth ‘Beth’ B. Uapal.


Kung mayroon mang higit lalong kwalipikadong umupo bilang SB Member ng ating bayan, nangingibabaw diyan sa listahan si SB Beth ng Poblacion.

Tangan ang diploma ng AB Political Science, at kasanayan sa Abugasiya mula sa Palawan State University, armado si SB Beth ng kinakailangang kaalaman at kasanayan para magbalangkas ng mga kinakailangang batas, ordinansa at resolusyon para masigurong nabibigyang-solusyon ang lahat ng problema at isyu ng bayan, at nasa tamang proseso at tuwid na daan ang tinatahak nating kaunlaran.

Mayroon din siyang karanasang mamahala ng mga negosyo, kaya’t bibitbitin niya ang kaalamang ito upang matiyak na epektibo at mabilis ang mga pagpapatupad ng mga proyekto at paghahatid ng serbisyo ng ating lokal na pamahalaan sa ating mga kababayan.

Pagtutuunan ng pansin ni SB Beth ang pagpapayabong ng ating turismo at pagsisigurong hindi nito nasasaktan ang ating kalikasan (sustainable tourism development), ang pagtiyak na kasama sa byahe ng pag-unlad ang bawat isang mamamayan (inclusive development), law and order kasama na ang pagbigay proteksiyon sa mga naaagrabyado sa batas, at financial literacy o maayos na pamamahala ng pananalapi ng ating mga kababayan.

Batas, Edukasyon, Turismo at Trabaho: BETT natin si Beth!


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page