SB Antonio ‘Tintin’ E. Rabina, Jr.
Hindi na bago sa paglilingkod si SB Tintin; simula pa 1980s, pinili na ni SB Rabina ang tahakin ang landas ng paninilbihan sa bayan.
Nagsimula siya bilang Brgy. Secretary ng Alimanguan, SB Secretary ng ating bayan panahon ni Vice-Mayor Fadrilan, Information Officer at Secretary ni dating Mayor ACA, hanggang sa termino nila Vice-Mayor Maagad at ngayon Vice-Mayor AVG. Naging reporter din siya sa himpilang DYPR, Bombo Radyo, DZRH at Radyo ng Bayan.
Buhay na ni Tintin ang maglingkod sa bayan – at mang-aliw sa ating mga pagtitipon bilang paborito nating emcee sa mga pyesta at pagtatanghal ng mga Kuratsa hanggang sa pinakamalalayong kanayunan. Bitbit ang edukasyon mula sa pinaka-premyadong unibersidad ng bansa – The University of the Philippines – at ang kanyang malawak na karanasan sa lokal na pamahalaan, handang-handa si SB Tintin na gampanan ang trabaho ng isang SB Member, at itaguyod ang boses ng mga mahihirap nating kababayan, at iba’t-ibang sektor ng ating komunidad.
Si SB Tintin ay maninindigan laban sa katiwalian, at tutulong sa mabilis na kaunlaran ng ating bayan!