Mayor Maria Carmela ‘Pie’ E. Alvarez
Nakilala bilang pinakabatang Mayor sa buong Pilipinas, si Mayor Pie ay lumaki sa Port Barton, nag-aral sa Amerika, at matibay nating tulay sa Kapitolyo at Malacañang.
Kung hindi dahil sa kanyang sipag sa pagkalap ng pondo sa provincial at national governments, hindi natin magagawang magpatupad ng mga malakihang proyekto sa ating bayan nitong mga nakalipas na taon.
At dahil may mataas na pinag-aralan at malawak na impluwensiya, maaasahan nating mas marami pang programa, proyekto at kaunlaran ang maibibigay ng kanyang pamunuan: Sisikapin niyang mapayabong ang ating industriya ng turismo upang makalikha ng mga trabaho, sapat na kita at mas maunlad na buhay sa bawat isa sa atin. Sisiguraduhin din niyang ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga mamamayan – simula sa mga nasa sinapupunan palang hanggang sa mga senior citizens – ay maibibigay ng ating lokal na pamahalaan.
Kay Mayor Pie, sigurado ang pag-unlad ng bayan at kapakanan ng bawat isang mamamayan!