Unlad San Vicente naniniwala sa pagbabagong hatid ng partidong 'PPP'
Naniniwala ang Unlad San Vicente na ang linya ni Gov. Jose Ch. Alvarez dito sa ating bayan ang magsisigurong patuloy ang pag-unlad at mga pagbabagong nakikita, nararamdaman, at pinakikinabangan natin ngayon.
Naniniwala kami dito sa Unlad SanVicente na ang linyang ito ng Partidong Pagbabago ng Palawan (PPP) ang tanging:
1. May kakayahang ipatupad ang mga malakihang programa, proyekto at serbisyong kinakailangan ng ating bayan at mga mamamayan. Bukod sa klarong plataporma (na wala sa iba), ang Partidong ito lang din ang may espesyal na access sa national government at provincial government -- mga malalaking katuwang natin sa napipintong malakihang pag-unlad ng ating bayan; at
2. Ang best choice for 2016 and beyond. Ang tanging Partidong piling-pili ang mga myembrong kandidato: kwalipikado, may relevant track record at karanasan sa pamumuno at paninilbihan, at mapagkakatiwalaang maninilbihan sa bayan higit sa lahat, at may puso at prinsipyong kaisa ng ating mga kababayan.
Kilatisin natin ang bawat isang kandidato, mula pagka-Pangulo hanggang dito sa ating lokal na pamahalaan. Wag tayong magkakamaling ibigay ang ating tiwala sa hindi maaasahan, sa walang klarong plataporma at kakayahang mamuno at magpaunlad ng ating bayan - o masasakripisyo ang lahat... ang ating mga pangarap... ang ating kinabukasan... ang kinabukasan ng ating mga anak at kanilang mga anak.
Samahan n'yo kaming suportahan ang buong linya ni Gov. JCA dito sa ating bayan! "Kagalingan, Kalinga at Kaunlarang tatak JCA!"
Read more: https://web.facebook.com/unladsanvicente/