Ilang SBs, ‘binabaliktad ang kwento’
Ipinamamalita pa ng ilang SB Members ngayon na kasalanan pa ng pamunuan ni Mayor Carmela E. Alvarez kung bakit hindi pa na-aaprubahan ang budget hanggang sa ngayon. Subalit ayon sa Mayor, ito ay “pawang kasinungalingan, maling impormasyon, strategy lamang nila para makakuha ng simpatiya sa mga botante…and a great disservice to our people.”
“Ang maniniwala sa iilang SB Members na ‘to na nagpapakalat ng maling impormasyon ay walang sariling bait at hindi po nag-iisip… Hindi ko po ugali ang magsalita ng hindi maganda pero hindi na po maganda ang nangyayari… Sila na nga po ang namemerwisyo sa ating taumbayan, may lakas pa po sila ng loob sa ngayon na baliktarin ang kwento,” pahayag ni Mayor Alvarez.
Dagdag ni G. James Inawasan, consultant ng munisipyo: “Ang hinihingi po na accomplishment reports ng ating mga SB ay matagal na pong naibigay sa kanila. Nakaraang taon pa po. Apart from the fact that it is not a requirement in reviewing and approving budgets, taunan naman po nating ginagawa ang accomplishment report ng munisipyo.”
Taun-taon, tradisyunal ng ginagawa ng bawat departamento ng munisipyo ang kani-kaniyang Accomplishment Report ng kanilang opisina. Tuwing Enero ito sinisimulang kulektahin ng Municipal Planning and Development Office sa bawat opisina, at bago matapos ang Marso naman nabubuo ang consolidated report ng buong munisipyo. Ayon sa tala ng munisipyo, ngayong taon pa lang iginiit ng Sangguniang Bayan ang paghingi ng accomplishment report bago aprubahan ang budget.
“Wala kaming nakikitang mali sa paghingi nila ng report. Maganda naman ‘yun sana, kung ginawa nila ito ng mas maaga, nakikinig sila sa mga paliwanag, nagbabasa sila ng reports, at nagbibigay sila ng maayos at kongkretong rekomendasyon…pero sa kasamaang-palad, mukhang hindi natin 'yan naririnig sa kanila,” pahayag ni Inawasan.
Read more:
https://web.facebook.com/unladsanvicente/