top of page

AVG sa SB committee hearings: ‘Delayed na, wala pang saysay’


Muling ipinahayag ni Vice Mayor Antonio V. Gonzales ang kanyang pagkadismaya sa mayorya ng Sangguniang Bayan matapos na ipagpatuloy ng nasabing kapulungan ang pagpapatawag ng iba’t-ibang department heads ng munisipyo sa nakalipas na ilang linggo, at patuloy na pagtanggi ng mga ito na aprubahan ang budget ng munisipyo.

“Sobrang delayed na nga, wala pang saysay [ang committee hearings na ginagawa ng mga SB Members na ‘to]! In the first place, they should have done these hearings last year pa. Masyadong mahabang panahon ang ibinigay sa kanila pero wala silang ginawa. Secondly, paulit-ulit lang ang kanilang mga tanong… Maraming beses na ring sinagot pero parang hindi sila nakakaintindi,” punto ni Vice-Mayor Gonzales.

Matatandaang Oktubre pa noong nakaraang taon isinumite ni Mayor Maria Carmela E. Alvarez ang budget ng munisipyo sa SB, subalit inabot na ng katapusan ng taon bago ito sinimulang talakayin ng nasabing kapulungan.

Ibinalik rin ng Municipal Development Council (MDC) sa SB ang kanilang mga rekomendasyon sa isang special meeting na isinagawa noon pang Enero. “Lahat ng inyong tanong ay masasagot kung umattend kayo sa pagpaplano natin noong Agosto. At lahat ng rekomendasyon ninyo ay ‘yan din talaga ang ibig sabihin ng nasa budget… hindi n’yo maintindihan kasi hindi nga kayo umattend,” reklamo ng isang kapitan na miyembro ng MDC sa nasabing special meeting.

“Kaya itong kunyari ay committee hearings ng ilang SB Members ay walang punto. Kahit ang mga department heads na dumalo, magsasabing walang saysay ang mga tanong at komento nng ilang SBs na 'to. Sayang na sa oras, perwisyo pa sa lahat ng empleyado, kanilang mga pamilya, at sa buong bayan!” dagdag pa ni Gonzales.

Ang committee hearings ay normal na bahagi ng proseso ng pag-apruba ng budget o anumang panukala. Subalit, isinasaad ng batas ng kailangan gawin ito sa loob lamang ng 15 hanggang 30 araw matapos maisumite sa isang committee ang isang panukala.

Hanggang ngayon, hindi pa rin aprubado ang budget ng munisipyo para sa taong 2016. Suspetsa naman ni Gonzales at ng mga department heads, a-aprubahan naman ito ng mga SB pero sa panahong hindi na magagamit ang pondo ng bayan.

Read more:

https://web.facebook.com/unladsanvicente/


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page