top of page

Operasyon ng PSU-SVP, apektado ng problema sa SB


Maaaring maging bato pa ang PhP 3 milyun pondong inilaan ng lokal na pamahalaan sa Palawan State University-San Vicente Campus sakaling tuluyang mabasura ang proposed Budget ng munisipyo ngayong taon.

“Taun-taon, nagbibigay tayo ng PhP 2 milyung subsidy para sa operation ng PSU dito sa atin. Pero para ngayong taon, PhP 3 million ang nilagay natin sa Budget,” paliwanag ni Vice-Mayor Antonio V. Gonzales.

“Pero dahil natalo naman ang budget natin sa botohan sa SB, mababalewala ang proposed budget na ‘yun. Kung sakaling re-enacted ang budget natin, balik sa PhP 2 million ang subsidy pero hindi rin ito magagamit ng PSU. Papasok na kasi ang election period at hindi na tayo pwede mag-disburse ng budget,” dagdag pa ng Vice-Mayor.

“We are hurt by this lack of concern from the side of our SB members… We value education so much that is why during our administration, we put up PSU here. We donated our own lot, we put in funds to build classrooms, and together with Gov [Jose Ch. Alvarez], ginawa nating libre ang pag-aaral ng lahat ng taga-San Vicente dito sa ating PSU. I am personally hurt by this situation,” pahayag naman ni Mayor Pie E. Alvarez.

Sa kabila nito, nananatiling positibo ang pamunuan nina Mayor Alvarez at Vice-Mayor Gonzales. “Mahahabol natin ang dagdag na subsidy by July,” wika ni Gonzales.

Read more:

https://web.facebook.com/notes/unlad-san-vicente/operasyon-ng-psu-svp-apektado-ng-problema-sa-sb/618461414976521


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page