top of page

Muling pagsalang ng Budget at Hiring, bigo sa SB; Committee members, kinasuhan

Muling binara ng mayorya ng Sangguniang Bayan ng San Vicente ang muling pagsalang ni Vice-Mayor Antonio V. Gonzales (AVG) ng budget ng munisipyo at otoridad ni Mayor Pie E. Alvarez na mag-hire ng mga casual at kontraktwal na mga empleyado, sesyon kahapon, February 29.

“Tama nga ang ating duda na ida-drama talaga nila ang pag-aprub ng budget sa Marso para lumabas na hero sila kapag naaprubahan na ang mga items na ‘to. Pero sabi nga, ‘aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo’? Masyado ng naperwisyo ang munisipyo, ang mga empleyado at ang taong-bayan,” pahayag ni Vice-Mayor AVG.

Giit ng mga SB Members, tatapusin daw muna nila ang committee hearings patungkol sa budget bago nila baliktarin ang kanilang naunang desisyon at tuluyan nalang aprubahan ang Budget.

Budget Timeline

Matatandaang isinumite ang Budget ng munisipyo ni Mayor Alvarez sa Sanggunian noong nakaraang October 9, 2015 pa, at na-i-refer ito sa mga Committee ng Finance and Appropriations, at Laws and House Rules noong October 12, 2015 pa.

Subalit ayon sa tala ng SB Secretariat, hindi ito pinag-usapan kaagad ng mga nasabing komitiba at umabot pa ng December 17 o 46 working days bago inaksiyunan ng mga nasabing komitiba ang Budget – aksiyon na sabi ng batas ay nagpapakita ng “gross negligence and dereliction of duty” sa parti ng mga naturang SB Members. Ayon kasi sa Local Government Code ng 1991 at sa mismong Internal Rules of Procedure ng SB, dapat ay aksiyunan ang mga na-i-refer na resolution sa loob ng 15 araw, at 30 araw naman kung isang ordinansa. Ang Budget ay isang ordinansa.

“Malabo ang rason nila na kailangan nila ng mas mahabang oras para pag-aralan ang budget. Nakita niyo, matagal na ‘yan sa mga lamesa nila pero hindi nila inaksiyunan! Maraming beses na rin itong nabusisi, matagal ng nasagot ang kanilang mga katanungan pati hinihinging reports, at wala naman silang maayos na findings and recommendations! This is a complete disaster. I am ashamed of the kind of SBs that we have here,” reklamo ni Gonzales.

Complaint

Dahil dito, idinulog ni Vice-Mayor Gonzales sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Sangguniang Panlalawigan (SP) ang sitwasyon at sinampahan ng kaso ang mga chairman at myembro ng mga komitiba na sila SB Members Teodulo A. Varquez, Ronnie N. Hikilan, Sr., at Ramir R. Pablico, Sr. dahil sa paglabag nito ng Section 60 (c) ng Republic Act 7160 o Local Government Code of 1991, at Section 60 (h) ng parehong batas “in relation to Section 5 (a)” ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards.

Bahagi ng Complaint ni Gonzales na isinumite sa SP.

Sa Complaint, inilatag ni Vice-Mayor Gonzales ang kawalang aksiyon ng mga nabanggit na SB Members, at mga ebidensiyang nagpapatunay dito. Ipinunto ng Vice-Mayor na ang “public office is a public trust” kaya “kailangang manungkulan ng buong husay, sipag at katapatan ang mga SB Members pero hindi nila ito ginagawa.”

Dagdag pa niya, hindi lang ang Sanggunian bilang institusyon ang masisira sa ginawa ng mga naturang SB Members kundi mas higit lalo ang mga mamamayan na sana ay makikinabang sa mga programa at proyektong planong ipatupad ng Budget: “The apparent Gross Negligence, Dereliction of Duty and lack of Commitment to Public Interest by above-named Respondents [SB Members Varquez, Hikilan at Pablico] hurt not just the Sangguniang Bayan as an institution, but most especially the people of San Vicente who are supposed to benefit from the values the proposed measures will bring forth to the latter. Appropriate sanctions to above-named Respondents are hereby prayed for.”

Isinampa ang kaso sa SP noong January 5, 2016. Hindi na ito napagdesisyunan ng SP dahil nagsimula na ang “election period” noong January 10, 2016, ayon COMELEC Resolution No. 9981. Ipinagbabawal sa Omnibus Election Code ang pagsuspendi ng mga elective local officials kapag nagsimula na ang “election period.”

“We still filed the case for record purposes. History will judge us by our actions. At least malaman ng ating mga tao ang mga ginagawang kasalanan ng kanilang mga opisyal,” paliwanag ni Gonzales.

Read more: https://web.facebook.com/notes/unlad-san-vicente/muling-pagsalang-ng-budget-at-hiring-bigo-sa-sb-committee-members-kinasuhan/618434054979257


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page