top of page

San Vicente netizens, galit sa ilang SB


Hitik ngayon ang Facebook ng mga komento at posts na nagpapahayag ng galit, inis, pagkabahala, at pagkondena sa mga SB Members na humarang sa pag-apruba ng Budget ng munisipyo at hiring ng mga casual at contractual.

“[N]g dahil sa hindi pag-apruba ng Annual Budget sa Sangguniang Bayan Session at hindi pagbigay ng authority sa Mayor ay napakarami ang pamilyang inyong ginutom...sa kakarampot na sahod 4 thousand 5 thousand kumpara sa sahod ng mga [SB] na di sumang-ayon na aprubahan pinagkait niyo pa sa malilit na empleyado kumakain din ng tulad [niyo]...nasaan ang mga puso niyo??????? di na kayo naawa at humihingi pa ng pang- unawa? para ano?? hindi niyo inisip ang kapakanan ng mga maliliit na empleyado, marami sa knaila ang ginagatas pa, MAY PINAPAARAL na tulad nito, at kumakain din na tulad niyo,,,walang mahanapan agad-agad ng trabaho,sweldo ang inaasahan pinag kait niyo pa sa kanila? Simple lang siguro kung bakit ayaw niyong approbahan dahil kayo mismo may mga self-interest...Taong Bayan gising po tayo...naka freezed ang bayan ng san vicente....panahon na para pumili ng matitino at may pusong mamamahala sa bayan ng san vicente, lalo ng sa mga legislators....” litanya ng Facebok user na si Jess Braganza.

Sinang-ayunan naman si Braganza ng isa pang netizen: “Wala kaming utang na loob sa inyo mga SB dahil kami nagpapasahod sa inyo. kaya mga kababayan ko sa san vicente kung totoo man [na hindi] pi[ni]rmahan ng 7 SB na yan [ang] annual budget tandaan natin na [dahil] sa 7 na yan kaya naudlot ang usaping budget para sa bayan natin. Kaya hindi umuunlad bayan natin eh kasi puro lang pang sariling interest ng mga ganid na nakaupo.”

“Tama po kayo mga makasarili tlaga mga SB na yan. Dami ng nagugutom na pamilya ng maliliit na empleyado na umaasang maayos pa nila ang problemang yan. Asa pa kayo wala na kayong aasahan sa pamilyang ginutom nyo,” dagdag ng isa pang netizen.

Nagbanta naman ng ilang Facebook users na huwag na iboto ang mga SB Members na hindi pumirma sa Budget at Hiring ng mga empleyado. “Babawi tayong mga taga-San Vicente ngayon darating na botohan kailangan talaga nating pumili ng may malasakit sa bayan bago pangsarili nilang kapakanan. Kaya tandaan natin yung mga SB na hindi pumirma sa budget nayan napakalaking budget na yon para sa pag unlad ng ating bayan anong klasing pag-iisip ng mga yan taong bayan nagpapasahod sa kanila kalsada nga natin hindi na matapos tapos.”

“Bakit pa iboboto kung di rin lang makakatulong,sa kapwa?” tanong naman ng isa.

Nagpasaring naman ang isang netizen sa kakulangan sa kakayahan ng ilang SB: “Paano sila aattend sa mga miting kung di naman nila naiintindihan ang pinag-uusapan hahaha palitan nyo na ang mga walang pakinabang. Sayang lang pasahod sa mga yan.”

Ayon sa mga political analysts, magiging factor ngayong eleksiyon 2016 ang social media gaya ng Facebook sa dami ng mga Pilipinong gumagamit nito para makakuha ng iba’t-ibang impormasyon at magpahayag ng kanilang mga kuro-kuro ukol dito. Dito sa San Vicente, Facebook ang pinakapopular na social media na gamit ng nakararami.

Read more:

https://web.facebook.com/unladsanvicente/posts/618026568353339


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page