top of page

Pagbuhay sa usaping budget, ‘drama lang’


Matapos matalo sa botohan, muling binubuhay ng mga Sangguniang Bayan Members ang usaping Budget ng munisipyo. Ngunit ayon kay Vice-Mayor Antonio V. Gonzales, “drama lang ang lahat para lumabas silang hero sa ating munisipyo.”

“Itong pagpapatawag nila sa ating mga department heads patungkol sa ating budget ay in the first place, an exercise in futility at pangalawa, drama lang,” pahayag ni Vice-Mayor. “Unang-una, itong mga SB Members natin ay hindi sumali sa Medium Term Development Planning natin noong nakaraang Agosto. Doon pinagplanuhan ang ating mga programa at proyekto sa susunod na limang taon, pati ang ating Budget ngayong taon. Obligado sana sila ng batas na sumali sa pag-uusap na ‘yun. Pero wala sila. Tanging mga department heads lang ang andoon at mga representatives ng iba’t-ibang sektor ng munisipyo.”

“Ang paulit-ulit nilang mga tanong pati rekomendasyon patungkol sa budget ay nasagot sana kung umattend sila sa planning… Aside from this, they were given enough time to tackle the budget! October pa sinubmit sa kanila ang budget pero hindi nila ito pinag-usapan. Patapos na ang taon ng simula nila itong talakayin, at wala rin silang kongkretong rekomendasyon. Ang mga tanong nila noong December, ‘yan pa rin ang mga tanong nila hanggang ngayon. Nasagot na rin ang mga ito sa isang meeting ng MDC [Municipal Development Council] noong January. Nainis nga sa kanila ang ilang myembro ng MDC kasi dapat bilang SB Members, sila dapat ang nakakaalam sa direksiyon ng ating bayan pero sila pa itong walang alam,” paliwanag ni Vice-Mayor Gonzales.

Simula nakaraang Linggo, pinatawag muli ng mga SB members ang mga department heads patungkol sa budget. Tingin ni Gonzales, drama lang ito para masuyo ang mga department heads at maipalabas na kapag inaprub nila ang budget, “utang na loob ng taong-bayan na inaprubahan nila ito.”

Read more:

https://web.facebook.com/unladsanvicente/


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page