top of page

Budget ng munisipyo, talo sa botohan

Sa boto na 2-7, opisyal ng “natalo” ang Budget ng munisipyo.

Tanging sila SB Members Romulo B. Molo at Evangeline G. Maagad lang ang bumoto pabor sa pag-apruba ng Annual Budget ng munisipyo.

Samantala, sila SB Members Maria Carmen L. Silagan, Philip Jenrie S. Acosta, Ramir R. Pablico, Sr., Teodulo A. Varquez at Ronnie N. Hikilan naman ang bumoto ng “Nay” (“no”) sa pag-apruba ng nasabing Budget. Si SB Member Luzviminda S. Acosta ay nag-abstain, o tumangging magpahayag ng kanyang posisyon sa naturang mahalagang usapin.

“Hindi natin maintindihan ang wisdom ng desisyon – kung mayroon man – ng mga SB Members na ‘to! Akalain mong more than PhP 260 million worth of programs, projects and services will be sacrificed by their selfish decision! Ang pinakamasakit dito ay ang maaantala nating pag-unlad…mga malalaki sanang proyektong pang-imprastraktura na kinakailangan sa ating mga barangay…at ang kapakanan ng ating mga empleyado at mga mamamayan na umaasa sa pondo natin,” pahayag ni Vice-Mayor Antonio V. Gonzales, presiding officer din ng naturang kapulungan.

“Mahirap talaga kung ang mga SB Members natin ay hindi nakakaintindi ng kanilang trabaho…ng kanilang responsibilidad sa bayan…at ng kaunlaran. At laging sariling interes lang ang iniisip. Hindi tayo uunlad kung ganito ang mga kasama natin sa munisipyo,” daing pa ni Vice-Mayor Gonzales.

Dahil dito, problemado ang munisipyo sa malaking perwisyo na bunsod ng “pagkatalo” ng Budget.

“Apektado po ang ating mga nakalinyang proyekto at programa ngayong taon, ang regular na mga serbisyong ibinibigay ng munisipyo lalo na yaong nangangailangan ng pondo gaya ng mga financial assistance po natin, pati po ang sahod ng ating mga empleyado,” paliwanag ni G. James Inawasan, consultant ng munisipyo. “Sa ngayon kasi, nireresolba pa ang legal na aspeto ng operasyon ng LGU at ang pagpapalabas ng pondo gayong natalo ang Budget sa SB, at hindi pa natatapos ang 90-day period na nakasaad sa Local Government Code para ipasa ang appropriations ordinance,” dagdag pa ni G. Inawasan. “Kailangan managot ang mga SB Members na humarang sa ating Budget at mga proyekto! Kailangan nilang magpaliwang sa mga tao! Kailangan nilang managot sa batas,” udyok ni Vice-Mayor Gonzales. “Iniisip nalang namin na temporary lang ito. Sana hanggang June lang sitwasyon na ‘to,” patapos na pahayag ng Vice-Mayor.

Read more @ Unlad San Vicente Facebook page


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page