top of page

Budget ng bayan, nakabinbin sa SB


Sa kabila ng apila ng mga kapitan ng iba’t-ibang barangay ng San Vicente at ng mga empleyado ng munisipyo, nananatiling nakabitin pa rin sa Sangguniang Bayan (SB) nito ang Annual Budget ng naturang bayan matapos harangin ng mayorya ng nabanggit na kapulungan ang isinalang na Budget ng lokal na pamahalaan para sa taong 2016.


“Dapat nga bago natapos ang 2015 ay inaprubahan na ng ating SB ang ating Budget. Kung hindi ito maaaprubahan, more or less PhP 48 million worth of programs and projects will not be implemented this year…a total of PhP 260 million worth of operations funds are at bay! Our local government will somehow be paralyzed by this situation in our Sangguniang Bayan,” paliwanag ni Mayor Maria Carmela E. Alvarez.


“Masakit itong ginagawa ng ating Sangguniang Bayan, lalo na sa ating mga mamamayan na dapat ay makikinabang mula sa mga serbisyo at mga proyektong ating pinagplanuhang ipatupad ngayong taon…lahat ‘yan ay manggagaling sa ating aprubadong Budget. Mapanganib ang ganitong klaseng pag-iisip…hindi ito nararapat sa ating pamahalaan,” aniya ni Vice-Mayor Antonio V. Gonzales.


Oktubre pa noong nakaraang taon isinumite ni Mayor Alvarez ang nasabing Annual Budget sa SB ngunit ayon sa tala ng Sanggunian, umabot sa mahigit 40 araw bago ito tinalakay ng Committee on Finance and Appropriations, at Committee on Laws and House Rules. Unang tinalakay ng komitiba ang nasabing bagay sa isang special session na ipinatawag mismo ni Mayor Alvarez noong Disyembre 17, ayon sa tala ng Sanggunian.


“The mere inaction of the SB Members in the said committees constitutes gross negligence and dereliction of duty, and a violation of our Code of Conduct and Ethical Standards, both acts punishable by law,” dagdag pa ni Vice-Mayor Gonzales. “Mismong ang Internal Rules of Procedure namin sa SB ay nagtatakda na dapat ay aksyunan ang mga resolusyon na idinudulog sa mga committees sa loob ng 15 araw, at ang mga ordinansa sa loob ng 30 araw.”


While the power of the purse is within the purview of every legislative body, our SB members should not abuse it… They should not over-politicize decision-making in the Sanggunian, dahil ang nagsasakripisyo sa kanilang mga desisyon ay ang taong-bayan,” giit ni Mayor Alvarez.


Kapag hindi ma-aprubahan ang Budget ng munisipyo sa loob ng 90 araw, sinasabi ng batas na marere-enact ang Budget ng nakaraang taon. “Only the annual appropriations for salaries and wages of existing positions, statutory and contractual obligations, and essential operating expenses authorized in the annual and supplemental budgets for the preceding year [can be disbursed].” Sinasabi rin ng batas na tanging ang usaping Budget lang ang maaaring talakayin sa sesyon ng Sanggunian hangga’t hindi ito naipapasa.


Tatalakayin muli itong Lunes ang nasabing usapin. #

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page